mgasabisabi

 Itong Pilipinas, na itinatanghal noong unang panahon ng ating mapagbigay-puri na mga karatig-bayan, noong hindi pa naghahari sa mga lupaing ito ang mga ‘buwaya’, ay nangunguna sa mabilis na kaunlaran at kasaganahan. Napahanga niya ang mga kapitbayan at lalung-lalo na ang mga taga-Korea, sila ay nagising at napabilib ng mga pagsulong, tumaas ang pagkilala ng lahat ng bansa, kayat dahil dito’y natagurian ang Pilipinas ng Perlas ng Silanganan. Bata’t matanda at karamihan mga edukado ay dating nagsalaysay at nagkuwento ng dating pagarangkada nating mga Pilipino.

Dumating ang mga bagong pinuno at inumpisahan na mangampanya. Sa makapukaw-damdamin nilang pangako na diumano, tayo’y iiaangat sa lalong kagalingan, at lalong isusulong ang ating kaginhawaan, ang mismong nagsambit ay nangyaring umakay sa kinabukasan ng ating bansa sa katiwalian. Gayon man, tayo’y patuloy sa di tumpak na pagboto ng mga lider na makasarili at pinapagyabong ang kanilang estado sa pamamagitan ng makailang panloloko na kumukuha ng halaga sa ating mga buwis, at yao’y pinangkakai’t pinanggagasto nilang pamilya, tanda ng tunay at lubos na pagpawalang-halaga na hindi nakokonsensya sa pinagtrayduran. Ito’y siyang tinatawag na Sanduguan ng mga pinuno at ni kaban ng yaman na pinakakinatawan ng bansang Pilipinas.

Buhat nang ito’y mangyari ay napabilang na ngayon sa sampung bansang pinakakurakot na ang Pilipinas ni Juan Dela Cruz ay ating nabahiran sa paraan na di kaaya-aya; ating binalewala at ikinaila, kahit kitang-kita natin ang kalokohan at kasalatan. Ginugugol natin ang pera, panahon at sampu ng buhay sa pagsang-ayon sa kanila; inaasahan natin sila ng tunay na mga kababayan na hindi papayag na sa kanila ay masira, at gayon din naman nangako sila sa mga tao at mga taga-suporta na gumugol na ipagkatiwala sa kanila nitong Bayan.

Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating pagtitiwala ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating pag-suporta? Wala kundi pawang kataksilan ang balik sa ating mga pagtitiwala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong isusulong sa
kaginhawaan? Bagkus tayo’y pinaasa, sinanay tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang dangal at magandang kinabukasan ng ating Bayan. Inilagay tayo sa isang mababang estado at pinaniwala sa kawalan ng pag-asa ang kahahantungan ng ating Bayan.

At kung iba’y matapang humingi ng kahit kaunti na pagbabago, ang nagiging kasagutan ay ang sila’y balewalain at hayaan sa piling ng kanilang hinanaing na mga pagbabago, kahirapan at kung anu-ano pa. Ang bawat isang pag-puna na galing sa ating puso ay katibayan na isang malaking problema at kakulangang bitbit ng Pilipinas na kinagisnan.

Ngayon, wala nang maituturing na Perlas sa ating Bayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating lupain ng Intsik na nagbabanta at nananakot, buntong-hininga at hinagpis ng nalinlang na madla, naloko’t mga inaasahan ng taong bayan minamaliit ng mga manlulupig na bansa.

Ngayon, tayo’y malulunod na sa nagbabahang hinagpis ng paghihinayang sa nakitil na kinabukasan ng bansa, sa pananangis ng tao na nalimita ng kabulukan, na ang bawat patak ay dulot ng isang matinding pag-nais na makakita sa madilim na hinaharap ng ating bayang naghihikahos. Ngayon, lalo’t lalo tayong mag-aasam ng pagbabagong kaakibat sa bawat pagkakataong may nangyayaring pagbagsak.

Ano ang puwede nating gawin?

Ang araw ng pag-asa na mag-aahon sa Pilipinas ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang matagal nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya’y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga makabagong bugso ng pag-asang idinulot sa atin ng mga matapat na gawain.

Itinuturo ng liwanag na wala tayong iba pang maaayawan kundi lalo’t lalong kahirapan, lalo’t lalong kataksilan, lalo’t lalong kaalipustaan, at lalo’t lalong kaalipinan.

Itinuturo ng liwanag na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-aantay sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.

Itinuturo ng liwanag na tayo’y magsimula sa ating sarili at huwag i-asa sa iba ang pangkalahatang kaunlaran.

Itinuturo ng liwanag na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at paniniwala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kalugmukan sa ating Bayan.

Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang Perlas ng Silanganan.

Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling kalakasan, may puri, may maipagmamalaki at kakayanan.

Ngayon, panahon nang dapat baguhin ang nakasanayan ng mga madla at kawalang pag-asa na magwawasak sa maaring pag-unlad na naghihintay sa ating bayan. Panahon na ngayong dapat mabatid ng mga Pilipino ang kapangyarihan ng kanilang mga kakayanan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat gawain natin ay tumutulong tayo at nakikisama sa matagal na inaasam ng pagbabago na sa atin ay makikita ng mga kapitbayan.

Kaya, O mga kababayan! Ating punuin ang naubos na pag-asa, at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng Bansang Pilipinas.

1. Sleep won’t be possible for now.

2. Hindi pa ako sanay magpuyat

3. Dami pa gagawin

4. Busy-busihan moment na naman

5. Wala akong masagutan sa probset ni Sir Pinocchio

6. Review. Review. Review. Inaantok na akow.

7. Legendary Mam Bayo Exam, I shall conquer you.

8. I need to be optimistic. Else, I will die early.

9. Like a true warrior, keep on fighting

10.We are Born to Fight! Pagdating sa Acads, Fight!

Magdadrive ako hanggang buwan

At lumipad hanggang doon sa kalawakan

Kay tagal na ako’y nangarap,

Patuloy ang pangarap

Sinusundo kita

Huminga ka ng malalim at tayo’y lalarga na

Hawakan mo ako

Yan ang panalangin ko

Di kita iiwan sa paglakbay

Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay

Parang isang panaginip

Sa mga ulap sumisilip

Susungkutin mga bituin

Langit ay aabutin

Cento

Posted on: July 4, 2012

Ang cento ay isang mala-tulang komposisyon na ganap na binubuo ng  mga linya o taludtod mula sa iba pang mga may-akda na inayos sa isang panibagong porma.

Categories